Entry: Attack on Press Freedom Aug 19, 2003



Patuloy ang pananalasa ng rehimeng Gloria-macapagal arroyo. Nitong nakaraang byernes bagong biktima nya ang hanay ng media practitioners. Patunay ito ng kabalintunaan ng kanyang progpaganda ng kalayaan at demokrasya sa lipunan.

Si Tina Panganiban-Perez, isang reporter ng GMA 7 ay inakusahan ng pangulo na sumusuporta sa rebelyon. Ang basehan(!): ang paginterview kay Sen. Honasan.

Nagsimulang magdadakdak ang head of state sa isang public ocassion sa Oriental Mindoro. "kinausap" nya ang reporter habang nagdidinner at sinabing ang paginterview nya kay Honasan (na sinasanbi ng malacanang na utak ng mutiny) ay nasa panahon ng state of rebellion, kaya ito ay pagsuporta sa rebelyon. Pero sumalungat ang reporter at sinabing Aug.12 ang interview, the day after the state of rebellion was lifted. Pero sumingit agad ang pangulo, "no!, it was during and thats abetting rebellion." Natural na tugon na ito ang trabaho ng mga reporter, maginterview, magreport at pumunta sa mga personahe o lugar ng balita. Sarcastic answer na "really?" ang hindi natural na tugon ng isang pangulo.

Si Tina Panganiban-Perez ay ang unang reporter na nakapag interview sa Sen. nang sya ay magtago.

Ang insidente ay malinaw na pagalipusta sa karapatan sa pamamahayag at karapatan sa katotohanan. Tila hindi pa ito sapat para sa rehimen kaya under surveillance ngayon ang mga mediamen na ayon sa malacanang ay mga spy ng "enemies of the state".  

Kapraningan ang ipinakita ng pangulo. Di hamak na mas katanggap-tanggap pa ang isang lasing, may katwiran at risonable na kausap. Siguro lasing din si Gloria... sa alak ng kapangyarihan. Darating na lang ang araw na gigising sya kasama ang mga kagaya nyang nalasing at isinuka na ng kasaysayan.

   2 comments

nina
December 14, 2004   06:56 PM PST
 
alam naman nating lahat na walang patutunguhan ang pamamalakad ni gloria ngayon at sana kung bibigyan ako ng pagkakataon na maging isang pangulo ay magtatayo ako ng isang irganization na paralamang sa mga pulubi na wala na talagang matirhan yun lang sana lang po ay maglingkod natayo ng matiwasay sa ating bansa para pareparehas tayong umunlad.......................
air
August 19, 2003   07:02 AM PDT
 
yeah i heard about this one over at frontpage! i think gma is trying to say that tina(as if were close!) was part of the coup or something!!!
were you able to watch it earlier?

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments