|
![]() Si Rep. Satur Ocampo sa kumbensyon ng Bayan Muna-Las Pinas. Ang pinagdausang covered court na ay isa sa maraming proyekto ng Bayan Muna Partylist na mula sa kanilang CDF. Nasaan ang mga NPA?(maliban na lang na dito sila nagbabasketball) Nuknukan ng Kagaguhan! Yan si Norberto Gonzales ang National Security Adviser ni GMA. Nitong mga nakaraang Linggo ang mga progresibong partylist ay pinagbintangan ni Gonzalez na mga front organizations ng CPP. At ang Bayan Muna-ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa 2001 eleksyon at nangunguna din sa surveys sa partylist system, ay nirerechannel ang CDF o countrywide devt fund para tulungan ang NPA. At dahil dito dapat lang daw idisqualify ang mga partylist na ito. Bakit kamo nuknukan ng kagaguhan si Gonzales? Una, Ang Communist Party of the Philippines ay matagal ng ligal. Simula ng ibinasura ng gobyerno ang Anti-Subversion Law(sa panahon ni Ramos) ay otomatiko na rin nitong isinaligal ang CPP. Ang dahilan, gusto ng gubyerno na ibaba na ang armas ng NPA(o itigil na ang armed struggle), at lumahok na lang sa eleksyon at iba pang "ligal" na paraan para "mabago ang lipunan". Panagalawa, mayroong sangay ng gobyerno na nago audit ng pondo ng mga congressman(kasama ang Bayan Muna reps) at hindi muna sya nag aksaya ng panahon para tingnan ko saan nga ba napupunta ang pondo ng BM. Mismong BM na ang naghahamon nito. Pangatlo, karamihan ng mga proyekto ng BM ay sa mga liblib na pook sa kanayunan, mga lugar na kitang-kita ang kapabayaan at pagwawalang bahala ng gobyerno- ito ang priority na pagsilbihan ng BM. At karamihan dito ay mga patubig, kalsada patungo sa nayon o syudad, schools, multi-purpose halls. Mapapkinabangan ng buong mamamayan, hindi gaya ng mga paintings na binili mula sa pondo ng GSIS na ngayoy nagkakalugi na. Pangapat, ang Party list system ay nilikha sa panahong naibalik na daw ang "demokrasya" sa pilipinas- noong edsa 1986. At para di na muling magalsa ang mamamayan, kailangan daw kalahok na ito sa gobyerno. pwede na daw magkaroon ng mga representante o tinig ang mga marginalized sector. Sa ginawa kaya ni Norberto Gonzales ay nakapanghihimok ito na makilahok at makapanumbalik sa tiwala ng mamamayan sa obvious na bulok na gobyerno? Ang mga grupong inakusahan nya ng fronts ng CPP-NPA ay mas dapat pa ngang pasalamatan, dahil sa kabila ng pagiging mapagsamantala at mapangapi ng gobyerno at ang eleksyon ay isa lamang moro-moro, sila ay nagbabakasakaling may maliit na puwang para sa pagbabago. |
| Ivailo August 25, 2005 09:44 PM PDT Your blog is realy very interesting. http://www.g888.com | ||
| Leave a Comment: |